Masarap Ikuwento si Pandayan
Natapos na ang graduation ng bawat paaralan at isa tayo sa nakiisa at nakisaya sa kanilang pagtatapos. Taon-taon ay nagbibigay tayo ng Academic at Leadership Award sa mga napili nating paaralan. Noong nakaraang taon ay hindi tayo nakapagbigay nito dahil na rin sa pandemic kaya naman nakakatuwa dahil nagagawa na natin muli ito. Bago kami pumunta sa mga paaralan na aming dadaluhan, dahil sa maaga pa naman ay kumain muna kami ng aking ASE ng almusal sa karinderya na pinagkakainan namin. Nagulat si Ate Lhanie na siyang nagtitinda dito dahil bakit daw ang aga naming kakain. Sinabi ko sa kanya na mag-aaward kasi kami sa mga paaralang napili natin na bigyan ng Academic at Leadership Award.
Natuwa siya sa aking sinabi dahil may ganoong programa pala si Pandayan at sabay biro na baka ang anak niya ay maaari ring mabigyan. Ipinaliwanag ko sa kanya na ang nabibigyan ng Award ng Pandayan ay ang mga estudyante na nanguna sa kanilang klase at nakapagtala ng mga parangal.
Dagdag pa niya na nakakahanga naman si Pandayan dahil nagbibigay daw ng mga ganyang award sa paaralan, sana si Savemore o anumang mga establisyemento dito sa Gerona ay tularan din ang Pandayan sa kanyang mga programa.
Sa aming pag-uusap ni Ate Lhanie ay makikita sa kanya ang paghanga sa ating kumpanya. Paano pa kaya kung maikwento ko pa sa kanya ang mga iba pang programa ng Pandayan kung saan tumutulong tayo sa mga paaralan tulad ng Alyansa at Brigada, marahil mas hahanga pa siya sa ating samahan?
Kahit sino siguro ang makarinig ng mga ginagawa ng Pandayan sa ating pamayanan ay hahanga rin dahil hindi ka na makakahanap ng samahan na gaya ng Pandayan na talaga namang gumagawa ng mga ganitong programa.
Nakaka-proud na ikwento sa iba ang mga karanasan natin sa Pandayan mula sa pagtatrabaho at maging sa mga programa nito sa labas ng ating samahan.