Malasakit sa Kapwa
Day-off ko noong araw na iyon at naisipan kong maglinis sa harapan ng aming tinitirahan at maglinis ng aking motor. Habang ako’y naglilinis ng motor, may isang bata na lumapit sa akin may bitbit na isang delatang ulam, isang bote ng inuming tubig, at may suot na madungis na damit. Nagtanong ang bata kung may nais akong ipagawa sa kanya dahil siguro napansin niya na matataas na ang mga damo sa harapan ng aming bahay. Naawa ako dahil marahil ay naghahanap ito ng maaaring pagkakitaan upang magkaroon lamang ng pambili ng pagkain. Pinabunot ko ang mga damo sa harapan at pinawalis ito. Kahit mainit noong araw na iyon, kita ko ang tiyaga ng bata upang malampasan lamang ang araw na iyon na hindi nagugutom ang kanyang pamilya. Nang matapos niya ang pagbubunot, binigyan ko siya ng 100.00 at mahigit 1 kilong bigas dahil sa ngayon ay iyon lamang ang aking kayang ibigay sa kanya. Kitang-kita at ramdam ko ang pasasalamat ng bata sa akin dahil maluha-luha pa itong nagpasalamat.
Masasabi kong malaki talaga ang epekto ng mga layunin ng ating kompanya sa mga Kapwa. Kung hindi ako sa Pandayan nagtrabaho at namulat, hindi ko papansinin ang bata. Ngunit ng dahil nga sa ating layunin hindi na ako nagdalawang-isip na tulungan ang bata. Kaya naman malaki talaga ang naitutulong ng mabuting pamamahala ng isang kompanya sa kanyang nasasakupan. Maraming salamat Pandayan, dahil sa inyo ay nagkaroon ako ng masalakit sa aking Kapwa.