Malasakit at Kabutihang Loob
Sa araw-araw ng aking pagpasok sa Pandayan napaka-blessed ko kasi may mga bago akong natututunan at mga pangyayari na talagang hindi ko malilimutan at nagbibigay sa akin ng aral. Araw ng Martes at may isang estudyante na pabalik-balik na nagpapa-price check ng kanyang bibilhin na Chocolate. Bakas ko sa kanyang mukha na kapag mahal at hindi kaya ng kanyang dalang pera ay nalulungkot ito. At ang kanyang huling dalang chocolate, ang sabi niya sa akin, “Kuya, pasensya po at kanina pa ako pabalik-balik kasi magkano lang ang aking dalang pera.” Sabi ko naman sa kanya na okay lang, parte ng trabaho namin na i-assist ang aming mga Panauhin at maging komportable kapag sila ay namimili dito sa Pandayan at nginitian ko siya.
Tinanong ko siya kung ilan ba ang kulang ng kanyang pera at biglang nagsalita ang kanyang kasunod na Panauhin, “Anak, kunin mo na yung kanina na una mong hawak at ako na ang magdadagdag.” Sobrang nahiya yung estudyante na tanggapin yung inaalok sa kanya at ang sabi, “Wag na po.” Pero pinilit ng Panauhin na siya na ang magdadagdag sa kakulangan at nagpasalamat yung estudyante nang sobra. Nang natapos na yung transaction at bago umalis ang Panauhing estudyante, nagpasalamat ito at abot ang kanyang ngiti sa isang panauhin na nagdagdag ng kanyang pera. Sabi ng Panauhin, “Kanina ko pa kayo tinitingnan at pinapakingan. Salamat sa pag-assist mo at malasakit sa amin na bumibili dito sa Pandayan. Talagang ibang-iba ang mga nagtratrabaho dito kaya certified Maka-Pandayan kami!” Nagpasalamat din ako sa Panauhin sa malasakit at kabutihan niyang loob. Talagang sa maliit na bagay na pagtulong nag-iiwan ito ng napakalaking marka sa bawat isa. Hanggang nandito ako sa Pandayan maraming akong natututunan at nasasaksihan na kabutihan at malasakit sa bawat isa.