Maging Gabay ng Kabataan sa Kagandahang Asal

Maging Gabay ng Kabataan sa Kagandahang Asal

Pinakamarami ang mga estudyante sa aming mga panauhin kaya’t sila ang madalas na aming nakakasalamuha. Hindi maiiwasan ang gaslawan, harutan at paglalaro sa tindahan. Normal naman ito sa mga bata pero kailangan nila ng ating gabay dahil tayo ang nakakaalam at nakakaintdi higit sa kanila. Minsan ay hindi na lang kaguluhan ang nangyayari meron na rin nagbabanggit ng mga masasamang salita na di ko maatim na marinig mula sa kanila. Kaya bilang isang magulang at isang Panday ay minabuti kong pangaralan at payuhan ang bata na naringgan ko. Sinabi ko sa kanya na sa bawat pagsasalita ng masamang salita ay naiipon ito at naririnig siya ng Panginoong nasa itaas. Nakinig naman ang bata sa akin at siguro alam niya rin ang pagkakamali niya. Bumabalik pa rin madalas ang bata at lagi siyang nabati sa akin. Malaki siguro ang naing impact sa kanya. Tayo ang kailangan nila para maitama ang mga pagkakamali at gabay nila sa mabuting karunungan.