Magic Word ni Pandayan

Magic Word ni Pandayan

“Mabuhay po!” Ang bati natin sa mga minamahal natin na Panauhin. Ito rin ang ating magic word para ma describe tayo o mabati tayo ng Panauhin paglabas natin o kapag nasa labas tayo ng ating tindahan. Maraming beses na rin kasi na kapag ako ay naka day-off at naglalakad sa palengke o sa kalsada ay magugulat na lang ako na may biglang babati na hindi masyado pamilyar sa akin at ang bati ay “Mabuhay po!” with smiling face. Ang iba naman ay happy face o medyo natatawa. Sabay mapapabati ka na lang din ng “Mabuhay po!” dahil binati ka sabay ngiti rin. Tapos doon ako nag-iisip kung sino nga ba iyon. Sabay maalala mo na Panauhin pala sa Pandayan iyon. Yung mga Panauhin na minsan ay nagpapa-assist sa atin kaya natatandaan nila tayo paglabas ng tindahan. Sabay babati ulit sila bago sila lumagpas ng “Mabuhay po kuya!” sabay ngiti ulit. Hanggang sa babati ulit ako ng “Mabuhay po ulit Ma’am/Sir!” with smiling face din.