Magandang Samahan ng Kapwa at Panauhin
Bilang tagapagpatupad ay mag kamada tayo ng di mapantayan dami ng nagagawa sa panauhin at laki ng kita, sa pamamagitan ng paglilingkod na hitik sa katapatan, pagmamalasakit, kasipagan para sa iyong nasasakupan.
Bilang tagapagpatupad ay masasabi natin na buhay ito sa ating organisasyon dahil ang ating paglilingkod sa mga panauhin ay hindi lang nagtatapos sa loob ng tindahan. May mga pagkakataon na kahit nasa labas na tayo ng tindahan ay nagagawa pa rin natin na sumagot sa mga katanungan sa ating mga panauhin, mga tawag at chat sa kanila kapag may tanong sila sa ating mga paninda.
Maraming paraan na nagpapatunay na may magandang samahan ang mga Kapwa sa Pandayan at ang mga panauhin. Marami tayong mga karanasan na masasabi na nagpapakita ng ating magandang samahan. Ang pagbibigay ng pagkain sa atin ng mga panauhin kapag nagustuhan nila ang ating serbisyo. May mga pagkakataon na kapag may okasyon sa buhay natin ay makikita mo na bumabati sila sa atin.
Kahit na nasa labas tayo ay nagbabatian tayo sa isa’t isa. Masasabi natin na bunga ng ating ginagawa na pagbibigay ng magandang serbisyo sa panauhin ay malaki ang balik nila sa atin bilang panauhin at minsan ay bilang kapwa at bilang kaibigan.
#Samalikha #LingkodPandayan