Mabuting Puso
Isang Nanay ang lumapit sa akin mayroon siyang dalang listahan ng kanyang bibilhin. Inabot niya ito sa akin at sinabing pagkasiyahin ko raw ang dala niyang pera sa mga nakalista. Tinanong ko si Nanay kung magkano ang kaniyang budget. P1000.00 daw. Kaya hinanapan ko ng mura ngunit dekalidad na item para sa kaniyang anak. Nang makuha ko lahat ng item ay pinuch ko na ito sa aming CSS at umabot lang ng P350 ang lahat. Meron pang tira sa kaniyang budget kaya tinanong ko si Nanay kung may kailangan pa siya. Banggit niya’y di pa siya nakakabili ng bag. Hinanapan ko siya ng mura at naka SALE subalit kulang na ang budget niya ng 20 pesos. Nakita ko ang panghihinayang sa kanya. Upang mabili lahat ni Nanay ay sabi ko ay ako na lang muna ang magdadagdag ng 20 pesos mula sa aking pera. Nakita kong nabuhayan siya ng loob. Sabi pa niya na nakakahiya naman. Nagpaalam kami sa guard para makuha ko sa bag ko ang 20 pesos at idinagdag ko sa kanyang nagkulang na budget para hindi na si Nanay mamroblema pa sa kailangan ng kanyang anak. Para sa akin ang simpleng pagtulong sa ating mga panauhin ay malaki ang impact sa kanila. Ang impact naman nito sa akin ay mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakatulong ako kahit sa maliit na bagay lang. Nang makapagtrabaho ako sa Pandayan ay mas nahubog ako na magkaroon ng mabuting puso, kaya salamat Pandayan.