Mabuting Gawa
Noon, isang simpleng mamimili lang din ako sa Pandayan Bookshop. Nakakatanggap ako ng mga mabubuting gawa ng mga dating Panday. Ngayon isang malaking bagay para sa akin ang maging bahagi ng isang kopon para sa mabuting gawa. Makikitang hindi lamang talaga sa produkto sinusukat ng isang panauhin ang isang tindahan o negosyo kundi napakalaking bagay ang kabutihan ng isang Panday at tagapamalakad.
Kilala ang Pandayan Bookshop sa mabuting gawa. Tulad na lamang noong isang araw, may isang babae na napaluhod nung pababa na sa hagdan dahil napitod siya. Agad ko naman syang tinulungan tumayo at labis ang pasasalamat. Ayon sa kanya, hindi lahat ng empleyado ganoon. Buti na lamang sa Pandayan Bookshop may mga taong may mabubuting gawa. Isa pa sa naranasan ko habang ako ay papunta sa tindahan, ilan-ilan sa mga nasasalubong ko ay tinatawag akong Miss Pandayan. Kahit nga yung kondoktor at driver ng jeep ganoon din.
Sa pagkakakilanlan ng Pandayan Bookshop marami ang mas nakakasanayan dito lalo na sa mga mag-aaral, magulang at iba pa dahil sa mga Kapwa, produkto at ambiance nito. Tulad ng isang ginang na namimili sa loob ng tindahan. Habang ako ay nglilinis may tumawag sa telepono ng ginang at tinatanong siya kung nasaan daw ba siya. Ayon sa ginang "Nandito ako sa Pandayan Bookshop, kabalikat sa pag-aaral." Nakakatuwang pakinggan dahil talagang naa-adopt na nila ang kultura ng Pandayan Bookshop.
Ilan lamang iyan sa mga magagandang bagay na masasabi kong mabuti ang bawat Kapwa sa Pandayan Bookshop. Ang isang Panauhin ay hindi bumabalik dahil lamang sa produkto kundi dahil na rin sa bawat Kapwa na may mabubuting gawa.