
Lakbay Panday (5 years)
Nitong taong 2024 sinubukan ko ang pagganap sa gawain ng tagapagpatupad at dito ay pinalad ako sa tulong ng aking mga naging mga ASE Raffy at ASE Alvin. Sila rin ang mga taong humubog at naniwala sa kakayahan ko kung kaya’t nagagampanan ko ang gawain na kanilang ginagawa hanggang sa ngayon. Ibinabahagi ko ang aking mga natututunan sa mga Kapwa na nag-uumpisa pa lamang at nagbibigay inspirasyon upang pagbutihin rin ang kanilang mga gawain.
Nagpapasalamat din ako sa aming GE Ruby sa walang sawang paggabay sa amin at naniniwala sa kanya-kanya namin kakayahan at sa mga Boss na may pangarap hindi lamang para sa kompanya kundi pangarap para sa mga kapwa Panday. Patuloy ang aking paglalakbay para makamit ang aking tagumpay.