Laging Lumagay sa Tama

Laging Lumagay sa Tama

Bandang umaga nang dumating sa tindahan ang isang matandang panauhin upang palitan ang notebook na kanyang nabili. Agad ko namang inassist ang panauhin at sinamahan sa notebook section ngunit wala na ang kulay na kanyang hinahanap. Tinanong ko ang panauhin kung dala nIya ang resibo dahil papalitan na lang ito ng ibang brand dahil wala na ang kulay na hanap niya sa brand na kanyang nabili. "Naku, ining, naitapon ko na kasi yun kasama ng supot. eh di ba pwedeng ito na lang?" sagot sa akin ng panauhin. Dito ay pinaliwanag ko na sa panauhin ang policy ng tindahan pagdating sa change item. Hindi pa rin ito maintindihan ng panauhin dala na rin siguro ng kanyang katandaan kaya naisip ko na lang na mag swap na lang kami.
Bibilin ko ang nais niyang brand at kulay kapalit ang una niyang binili. "Ma’am ganito na lang po. Bibilin ko po itong kailangan niyong kulay ng notebook. Kung titingnan po sa presyo ay mas mahal po ito pero ok lang po na ‘wag niyo na dagdagan. ako na po bahala," tugon ko sa panauhin. Sumang-ayon sa akin ang panauhin ngunit pagdating sa counter ay hindi pa rin pala niya ito naintindihan at pinaulit-ulit ito sa akin. "Ganito po ma’am. Ibibigay niyo na po itong notebook na dala niyo po sa akin at ang kapalit po ay ako na po ang mag babayad nitong bagong notebook na kailangan niyo po. Para rin po ‘di kayo matagalan at maging maayos po ang pagpalit ninyo ng item. ‘Wag po kayong mag-alala, ma’am, dahil wala po kayong idadagdag. Ako na po ang bahala." Dito ay ngumiti na ang panauhin at nagpasalamat "Salamat neng. Abonado ka pa tuloy," naging tugon sa akin ng panauhin.
Masaya na akong nakatulong sa kailangan ng panauhin ngunit bukod dito ay ‘di ko kasi nais ang kanyang nasabi na basta na lang namin palitan ang notebook na kailangan niya. Mas mainam pa rin gawin ang tamang proseso ng tindahan at gawin ang tama at di ang mabilisan solusyon ngunit maling-mali at di tugma sa patakaran ng tindahan.