Kung Hindi Mo Susubukan Hindi Mo Matututunan

Kung Hindi Mo Susubukan Hindi Mo Matututunan

Ngayong araw ay isang taon na ako sa Pandayan. Habang ako ay nagkakape at inaalala ang aking unang araw sa aming tindahan dito ko napagtanto na parang ang layo na ng narating ko. Hindi ang napuntahan kundi ang aking mga natutunan. Naalala ko rin ang aking sinabi noong araw ng interview ko sa aking SE at ASE na ang goal ko ay makapagsuot ng "Yellow Uniform" kaya ang sabi ng aking SE ay pagbutihan ko upang makapagsuot ako nito.

Ako ay galing sa pag-oopisina. Ang aking kaharap araw-araw noon ay computer. Wala akong idea kung paano gumawa ng Bouquet, Bobo Balloons, Sash, Ribbon Cutting, Styro Cutting, hosting at kung ano-ano pa.

Ngunit sa loob ng isang taon mula noon napakarami ko nang natutunan. Lahat ng imposible ay nagiging posible. Lahat ng pakiramdam ko na hindi ko kaya ay kaya ko pala. Dito ko nakuha ang lakas ng loob na kung hindi mo susubukan hindi mo matututunan.

Dito sa Pandayan ko nakita at nakuha lahat ng pag-aalaga at pag-iingat sa empleyado. Tinuturing kang pamilya ng mga pinuno. Walang mataas sa lahat ng Kapwa kundi pantay-pantay ang tingin ng nasa taas. Dito ko rin nakita na ang pagiging isang Kapwa ay hindi nagbabase sa iisang gawain, hindi parang sirang plaka na paulit-ulit ang ginagawa sa araw-araw.

Alam kong hangga’t nasa Pandayan ako patuloy na madadagdagan ang aking kaalaman, patuloy na lalabas ang aking talento na hindi ko pa nakikita.

Ako po ay lubos na nag papasalamat kay Boss Jun, sa aking GE na si Maam Josie, sa aking SE na si Maam Jacque sa pagbibigay ng oportunidad na ako ay maging isang ganap na Kapwa Panday.❤️ Hindi ko po sisirain ang tiwala ninyo at patuloy ko pa pong pagbubutihan sa aking gawain bilang isang Kapwa Panday.

 

#Samalikha #LakbayDiwa