Kultura ng Tagumpay Seminar
Nitong Oktubre 9 at 10 ay nagkaroon ng seminar para sa mga bagong regular na ginanap sa Arete Antipolo. Pinangunahan ito ni Boss Paula na siyang nagdiscuss ng Kultura ng Tagumpay. Masasabi kong mas lumawak at mas lumalim pa ang aming mga nalaman at natutunan kung paano at saan nagsimula ang Pandayan at paano ito lumalago hanggang sa kasalukuyan.
Tumatak sa akin ang ginawa naming "Mapa ng Buhay" dahil nagkaroon kami ng sharing sa kung ano ang estado ng buhay ng bawat isa, ano ang mga pagsubok na napagdaanan at kung paano namin ito nalampasan at syempre kung ano ang mga pangarap namin sa aming mga buhay. Nakakatuwa kasi lahat ng Mapa ng Buhay namin ay nakalagay ang Pandayan. Nakalagay sa bawat isa na ang Pandayan ang kasama namin sa pag-abot sa aming mga pangarap.
Sa pangalawang araw ng aming seminar, pinangunahan ito ni Sir Elmer Escober at siyang sinundan naman ni Maam Rhio. Nagkaroon kami ng activity na role play na pwedeng maencounter sa loob ng tindahan at may gaganap na kapwa at panauhin. Kung paano ihahandle ng isang kapwa ang sitwasyon kapag may nakaharap na mga pagsubok, sa item man ito o sa panauhin.
Sa seminar na ito ay lubos akong naging masaya dahil nakilala ko ang mga Kapwa mula sa malalayong lugar at kahit sa maikling panahon ay nakapalagayan ko sila ng loob.
Sobrang saya at isa itong di malilimutang karanasan kaya taos puso akong nagpapasalamat dahil mayroong pa-seminar na ganito, bukod sa natututo na ay narerelax pa ang mga Kapwa. Salamat Pandayan! Padayon!