Katangian ng Mahusay na CSS
Kaya siguro ang tawag sa mga cashier natin sa Pandayan Bookshop ay mga CSS o Customer Service Specialist dahil ang naibibigay nila sa ating mga Panauhin ay positibong karanasan sa pamamagitan ng mahusay na pakikipagkapwa nila at sa mahusay na pag-aasikaso sa mga tanong at mga kailangan ng mga Panauhin sa kanila.
Dahil ang CSS sa Pandayan Bookshop ay tinuturuang makisalamuha ng maayos, masigla at palaging nakangiti sa mga Panauhin. Dahil pagpasok pa lang ng ating mga Panauhin sa loob ng ating tindahan ay hindi lang mga gwardya o mga Kapwa Regular ang masiglang bumabati sa kanila kundi maging ang mga CSS kahit na hindi pa sila magbabayad dahil kung mapapansin niyo sa ibang mga tindahan nga gwardya lang nga minsan ang bumabati sa mga Panauhin.
Pag magbabayad naman na ang mga Panauhin muling ipaparamdamdam sa kanila ng ating mga CSS ang masiglang pagtanggap sa kanila sa pamamagitan ng pagbati muli ng “Mabuhay!” Ang mga CSS din natin ay tinuturuang maging marunong sa mga panindang meron ang Pandayan Bookshop tulad ng mga machines, inks, pens, mga kakaibang tawag at marami pang iba.
Maging sa mga Pasadya ay marunong din sila. Kaya madalas ay sinasabi talaga namin sa aming mga CSS hindi kayo basta cashier lang dahil marami kayong kayang gawin at malaki ang ambag at bahagi ninyo sa branding o sa pagpapakilala sa mataas na kalidad ng serbisyo na naibibigay ng Pandayan Bookshop sa ating mga Panauhin.
Ito ang ilan din sa magagandang katangian na taglay dapat ng isang mahusay na CSS: masayahin dapat, palaging nakangiti at masaya ang tono ng boses; may malasakit sa mga Panauhin; magaling makinig sa mga sinasabi ng mga Panauhin; mahusay makipag-usap; may kakayahang umangkop sa iba at ibang klase ng ugali ng mga Panauhin; walang pinipiling pakisamahan o i-assist, matiyaga sa mga tanong at tumugon sa mga kailangan ng mga Panauhin at higit sa lahat mahaba dapat ang pasensya.
Sabi nga sa Kultura ng Tagumpay, “Unahin ang Panauhin.” Dahil sa Pandayan Bookshop nasa mabuti kang kamay dahil nasa puso ang paglilingkod at taglayin ang pagiging CHIC: Caring, Honest, Industrious at Courteous.