Kasiyahang Dulot ni Pandayan Bookshop

Kasiyahang Dulot ni Pandayan Bookshop

Sa bawat pagpasok ng panauhin sa tindahan ay hindi mo maiwasang makinig sa kanilang bawat salita. Katulad na lamang ng pagpasok ng mag-ina sa ating tindahan. Ang sabi ng nanay sa kanyang anak, “Masayang-masaya ka na naman dahil nakapasok ka na naman dito sa Pandayan.” Nakakatuwang isipin na iba ang nadudulot na saya sa mga bata ang pagpasok sa ating tindahan. Ibig sabihin nito ay hindi lamang tayo nakakapagbigay ng asikasong nasa puso ngunit pumapasok din tayo sa bawat puso ng panauhin. Magandang pangitain ito na maayos ang ating serbisyo.