Kasabay sa Pagbabago
Pauwi kami galing trabaho ng aking asawa, at dahil isang oras ang aming biyahe mula sa tindahan hanggang sa aming bahay madami kaming nagpag-uusapan. Minsan hindi namin namamalayan na nababalikan na pala namin ang aming mga nakaraan. Mula sa dating kami, hanggang sa dating estado ng aming pamumuhay noong kami ay nagsisimula pa lamang. Masaya naming nababalikan ang mga sakripisyo ng ginawa ng bawat isa marating lang ang buhay na meron kami sa kasalukuyan.
Noong nagsimula ako kay Pandayan, kasabay din naming nagsisimula bilang mag-asawa. Hindi ganoon karangya ang buhay. Ganoon din sa aking kaalaman, masasabi kong hindi pa ganoon kalawak. Hindi ako marunong makipag-usap sa mga taong hindi ko kakilala. Hindi ko kayang sumayaw sa maraming tao at lalong hindi ko kayang magsalita. Napasok ako kay Pandayan at masasabi kong binago at hinubog nito ang buo kong pagkatao. Nakalabas ako sa comfort zone ko at ang mga bagay na hindi ko nagagawa noon, ngayon ay masasabi kong kalakasan ko na. Kasabay din ng pagababago ng Pandayan. Unti-unti rin nababago ang aking pagkatao. Lumawak ang kaalaman sa labas at loob man ng tindahan.