Kartilya

Kartilya

Sa isip ng ibang tao ay ito ay gamit o kasangkapan para mapagaan ang pagbubuhat o pagdadala ng isang bagay sa ibang lugar. Sa kabilang banda naman ay isa itong libro na isinulat ng bayaning si Emilio Jacinto para maging guide ng mga bagong miyembro ng Katipunan. Ito ang ipinagawa sa amin ni Boss Jun nitong buwan. Dito ay itinala namin ang mga serbisyo na nakapaloob sa aming Kawan, mga proseso nito at mga monitorings na aming gingawa. Naisip ko na ito nga ay guidebook kung meron mang magiging pagbabago sa isang Kawan o Tanggapan.
Likas sa mga Kapwa Panday ang pagiging flexible pagdating sa mga gawain. Hindi mo alam kung saan ka na ma-aassign paggising mo. Sa paraang ito ay magkakaroon ng guidebook ang bagong Kapwang kasapi kung paano ang transaksyon sa kaniyang nilipatan. Hindi na siya maliligaw. Mangapa man siya sa mga gawain ay hindi na ito magiging mahirap pang pag-aralan. Isa itong magandang sulatin na maaari ding gawin ng mga tindahan at ibang Tanggapan.