Istilo ng mga Bampira
Sa tuwing breaktime ng aming door guard at may papalit na Kapwa sa kaniyang puwesto ay palagi kong ipinapaalala sa kanila na huwag lamang basta tatakan ang resibo na pinamili ng mga panauhin kung hindi ay tingnan din ang mga items na kanilang ilalabas, kahit scan lamang ng saglit ang laman ng supot na kanilang pinamili.
Nito nga lamang nakaraan, habang naka-break ang aming door guard ay ako ang pumalit sa kaniya sa may pintuan. May isang babae ang palabas na ng pinto dala ang supot na kaniyang pinamili. Pagkarating niya sa aking tapat ay nakisuyo ako sa kaniyang resibo na maipakita ito at agad naman niyang iniabot sa akin. Nabasa ko sa resibo na mga Orions notebook ang kaniyang pinamili at nagkakahalaga lamang ng P200.00. Pagkatapos noon, nakisuyo ako na ma-check lamang ang kaniyang supot. Saglit niya akong tinitingan at tila nag-aalangan na ipakita sa akin ito kaya inulit ko na lamang na kung maaari ay makiki-check ng kaniyang pinamili. Pagbukas at pagsilip ko sa loob ng kaniyang supot ay iba ang laman nito at kita na rin ang kaba sa mukha ng babae. Ang laman kasi ng kaniyang supot ay dalawang Sterling binder na nasa mahigit P300.00 na ang isang piraso pa lamang at ilang maliliit pa na items gaya ng ruler, sharpener, eraser. Inanyayahan ko siya sa lamanloob.
Tiningnan din namin ang CCTV at nakita doon na totoong Orions notebook ang binili ng babae ngunit sinamantala niya ang pagkakataon na maraming tao. Pagkatapos niya bayaran ang Orions notebook sa aming CSS ay bumalik siya sa selling area at pasimpleng ibinalik ang mga notebook sa selling at pinalitan ito ng mga Sterling binder na mas mahal kaysa sa binili niya. Walang maidahilan sa amin ang babae. Ang nasabi lang niya ay nais niya lamang daw magpa-change item ngunit ang kinuha niya na items ay mas mahal kaysa sa binili niya at wala rin siyang dalang pera kundi yung ibinayad lamang niya para sa mga Orions notebook. Hindi rin dumaan sa tamang proseso kaya tinanong ko rin siya kung ganoon din ba siya magpapapalit ng item sa ibang mga tindahan na pinamilihan niya ngunit hindi na siya makasagot. Kinuha na lang namin ang binder at ibinigay na lang kung ano ang kanyang nabayaran na items.
Ang pangyayari na ito ay naging patunay at aral sa lahat ng Kapwa noon sa aming tindahan na mahalaga ang pag-check ng resibo versus sa bitbit ng panauhin na pinamiling items. Hindi dapat ito ipinagsasantabi lalo na ngayong school opening. Sa gabi po ay nag huddle kami para talakayin ang pangyayari. Ipinaalala ko muli sa mga CSS ang pag-staple ng resibo at pagsara ng bag gamit ang stapler o tape. Sa mga guard at detective ay maging alerto sa mga may dalang bag o pinamili na iikot pa sa selling area.