Interview

Interview

Isa sa mga magandang nangyari sa akin ay ang matagal ko ng inaasahan na ma-interview ni Boss Jun. Oo, nakakakaba. Sino ba naman ang hindi kakabahan kapag kausap mo ang may-ari ng pagkadami-daming sangay ng Pandayan Bookshop? Naisip ko lang na unang beses nangyari sa akin ito na ma-interview ng may-ari mismo ng kompanyang pinagtratrabahuhan ko. Kadalasan kasi ay ang mga empleyado lang ang humarap o kumakausap sa mga ganoong bagay dahil abala ang boss sa mga gawain na mabibigat. Pero dito sa Pandayan Bookshop ay talagang nakita ko na interesado sa akin o sa mga empleyado niya si Boss Jun at talagang kinikilala niya ang pagkatao ng mga ito -- kung saan ba nanggaling si Alex. Napatunayan ko iyan noong ako ay natapos ma-interview ni Boss Jun. Totoo pala na napakabait talaga ni Boss sa mga empleyado niya at sa inaasahan ko na resulta ay pasado ako kay Boss Jun. Ganap na Panday na ako. Sobrang saya ko noong binasa na ni Maam Yhen ang resulta ng interview ko kaharap ang Kapwa at ibang Panauhin. Nakakaproud lang dahil gusto ko talagang ma-regular sa ganitong kagandang kompanya. Maraming salamat, Boss Jun! Hindi ko kayo bibiguin at ang mga pinuno ko salamat sa mainit na pagtanggap ninyo sa akin. Mabuhay ang Pandayan Bookshop!