International Coastal Clean Up Drive
Ito ang unang beses namin na mapasama sa International Coastal Clean Up Drive sa Corocan Zambales. Lubos kaming nagpapasalamat dahil sa aming pangungulit sa DENR PENRO na mapasama sa kanilang buhay komunidad ay napagbigyan naman ang aming kahilingan. Tumawag sa akin si Sir Ryan ng PENRO at binigay ang location kung saan kami magkikita-kita at ang naging call time para dito ay 6:30 ng umaga. Maaga kaming nakarating at nagbigay ng isang maikling mensahe ang kanilang head na si Sir Edward. Winelcome din nila kami sa pagpupulong at ibinahagi na ang gagawin sa coastal clean up. Hinati kami sa dalawang grupo upang mas madaling matapos at hindi abutin ng init ng araw. Pagkatapos namin ay nilikom namin lahat ng basura at nag-segregate. At nang matapos na kami ay nagkaroon ng closing remarks si Sir Edward. Nagpasalamat siya sa pagdalo ng Pandayan Bookshop sa kanilang aktibidad. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila nang kasama sa pagsulong sa “Save the Environment and Save the Earth”. Ang tanging hiling nila para sa mga susunod pang mga taon at aktibidad ay makasama nila tayong muli at mas madami pang mga ahensiya o mga grupo na makilahok sa mga ganitong gawain.