Inspired Kapwa
Nitong March 5, 2024 ay ginanap ang aming house blessing at tuluyan na namin nilipatan ang aming sariling tahanan. Personal akong nagpapasalamat Boss, dahil natupad na ang isa sa mga goals ko sa buhay na magkaroon ng sariling bahay at isa rin ako na magpapatunay na muli na naman natupad ang Pangarap ng Pandayan Bookshop sa kanyang empleyado. Hindi ito magiging posible kung wala ako sa Pandayan Bookshop.
Nagbalik-tanaw ako noong orientation. Si Sir Elmer E. pa ang naabutan ko na naggagabay sa amin sa pagpasok sa Pandayan Bookshop bilang mga bagong Kapwa. Isa sa pumukaw sa akin ang “Pangarap ng Pandayan sa kanyang mga Empleyado.” Ito yung magkaroon ng sariling bahay at lupa. Naiisip ko papaano? Sa hirap ng buhay at taas ng bilihin, paano?
Ang totoo niyan maraming sagot sa tanong na papaano noong ako ay naging ganap ng Kapwa Panday. Halos dalawang palad ang ibinibigay sa amin na mga benepisyo ng Pandayan Bookshop, kaya maraming ways paano at saan ka magsisimula sa pinapangarap mo. Syempre mauuna na mangarap ka dahil ito ay magiging pundasyon mo upang maging inspired na Kapwa. Palaguin ang sarili sa pamamagitan ng pagtanggap ng hamon at paglabas sa comfort zone. May pagkakataong madadapa ka pero mas maraming Kapwang tutulungan ka at ituturo sa iyo ang tamang direksyon.
Ang basket ng pag-iipon ni GE Maam Jean na laging nagpapaalala. Naalala ko pa na kapag-BTS incentives sa KP, naglalaan ng kaunting oras upang banggitin ni GE Maam Jean ang tamang paghawak ng pera. Ang disiplina sa paghawak ng pera ay malaking tulong dahil maraming nagkalat na tukso Shopee, Tiktok, Lazada at kung ano-ano pang online selling.
Maraming salamat mga Boss, dahil po sa inyo at ng Pandayan Bookshop ay naging tulay sa mga Kapwang katulad ko na natutupad ang minimithi at nagiging makabuluhan ang aming paglalakbay. Marami pa akong minimithi sa aking mapa ng buhay, marami pang kailangan patunayan at matututunan. Ako ay handa dahil ako ay isang inspired na Kapwa.