Huwarang Kapwa
Sa ikalawang buwan ko sa Pandayan ay nasaksihan ko ang pag-abante ng mga kapwa ko Panday. Nakita ko kung paano nila pinagbuti pa ang mga tungkulin sa mga gawain at aktibidad na ipinapatupad sa tindahan. Una na rito ang mga Art Workshops at Shool and Office tours na nagiging matagumpay dahil na rin sa mga pinuno naming mahuhusay sa pamumuno.
Kaya sa buwan na ito ay ginawaran ng aming mga pinuno ang mga kapwa na umangat at nagpamalas ng angking kakayahan at talento sa mga tungkulin sa tindahan.
Una na dito si Ma’am Carelle na ginawaran ng aming mga pinuno ng Masigasig Award dahil ipinamalas niya ang kanyang angking galing sa pag-aalok ng mga Kaibigan Cards na nakapag-quota ng mahigit isang daan na mga Kaibigan Cards. Kung kaya’t labis naming ikinatuwa ang kanyang tagumpay na nakamit.
Ikalawa naman si Ma’am Gladys na ginawaran naman ng aming mga pinuno ng Mahusay Maglingkod Award dahil siya ang nagpamalas ng pinakamahusay sa pag-aalok ng mga Kaibigan Cards at nakapag-quota ng mahigit dalawang daan na Cards. Tunay ngang huwaran siya sa pag-aalok ng Kaibigan Cards.
At ikatlo naman ay si Sir Judy Mark na nagpamalas ng pinakamahusay sa lahat ng aspeto sa tindahan. Kung kaya’t nasungkit niya ang pinakamataas na paggawad sa tindahan. Ang Natatanging Panday Award na labis na ikinatuwa hindi lang niya kundi kaming lahat na kapwa Panday dahil walang duda na isa siya sa pinakamahusay na Kapwa sa aming branch. Tunay ngang huwaran sila!
Mas lalo ko pang natutunang magpahalaga sa mga paggawad sa Pandayan nang personal na bumisita ang aming mga pinakamamahal na mga Boss. Sila Boss Jun at Boss Luz na sobrang simple at napakababait. Tunay ngang ang pinapanday ng Pandayan ay hindi lang karunungan at kakayahan, kundi ang pagpapanday sa pakikipagkapwa-tao na nagbibigay ng matibay na relasyon upang ang lahat ng kapwa Panday ay magturingan bilang isang pamilya.