Hindi Pwede Yan sa Pandayan

Hindi Pwede Yan sa Pandayan

Hindi natin maiiwasan na may mga mapanlamang na delivery personnel ang ating mga supplier. May mga gawain sila na labag sa pamamalakad ng isang kompanya. Maaaring likas na ito sa kanila dahil sa mga napasukan nila na kompanya o kaya naman ay may kaluwagan ang mga patakaran ng ating mga supplier. Ngunit bilang Kapwa Panday ay hindi natin hahayaan na gawin nila ito sa pag-deliver nila sa Pandayan dahil mahal natin ang ating mga supplier at isa sila sa mga kaagapay natin sa paglilingkod sa ating komunidad.
Ilang halimbawa dito ay ang delivery personnel ni X Company na lumalapit kay LG Rata para magpapirma na kanilang time form ngunit ang time form nila ay may nakalagay ng oras ngunit hindi talaga iyon ang oras na nagpasa sila ng invoice dito sa Atis ang gusto nila ay lagyan ng oras kung anong oras sila natapos mag-deliver. Hindi ito pinirmahan ni LG Rata dahil ang naging usapan namin ay kung magpapapirma man ang mga delivery personel dapat ay Time In at Time Out. Ikaw dapat ang magsusulat at kung ano ang naisulat niya sa logbook iyon din dapat ang ilalagay niya sa Time form ng delivery personnel.
Isa din sa halimbawa ay ang delivery personnel ng Y Company dahil natutunugan na siguro sila sa office nila. Lumapit sa akin ang kasama ko na checker na si Kapwa Robert at binanggit niya na nakikiusap ang delivery personnel ni Y na kung maaari raw ay pagtapos nila magdeliver dito sa Atis ay huwag muna kami magchat sa office nila dahil hindi raw sila nakakakain. Ang sinasabi nila na chat ay ang ginagawa namin na pag-inform sa supplier thru Viber ng kanilang delivery info dito sa Atis, kasama ang oras ng pag-umpisa nila sa pagdiskarga ng kanilang delivery at kung anong oras namin nabigay ang kopya ng invoice nila.
Agad kaming nag-usap ni Kapwa Robert upang maging aware siya na huwag na huwag pahihintulutan ang ganung gawain ng delivery personnel dahil hindi pinapahintulutan ang kahit anong pandaraya dito sa Pandayan. At malaking tulong sa supplier ang ginagawa naming receiving personnel na pag-inform sa mga supplier ng kanilang delivery info upang mas mapagyabong pa ang magandang samahan ng mga supplier ng Pandayan Superstores.