Halos Nayakap sa Saya
May isang Panauhin ang balisang bumalik ng tindahan at lumapit sa may counter. Nagtanong siya kung may naiwan ba siyang susi ng motor. Agad namang sinabi ng CSS na wala silang napansin. Halos libutin na niya ang tindahan kahahanap at halos naiiyak na ito na hindi alam ang gagawin. Nang makita ko siya na halos paiyak na ay tinanong ko ang CSS kung ano ba pinamili ng Panauhin at nang makita ko ay halos 3 klase lang ang binili niya. Agad kong pinuntahan ang isa sa napuntahan niya - ang area ng tape. Agad ko rin namang nakita ang susi na nakapatong sa may area ng tape. Agad ko itong binigay sa Panauhin at tuwang-tuwa ang Panauhin. Halos hindi na rin maipinta ang kanyang mukha nang maiabot ko ito sa kanya. Laking pasalamat niya sa akin, na halos nayakap na niya ako sa saya. Bumalik ito para bumili ng chocolate at inabot niya sa akin ang isang Hersheys sabay sabi, “Ate, pasensya ka na sa bigay ko. Sobrang salamat talaga!” Pilit ko rin naman inaabot pabalik sa kanya ang chocolate at sinabing: “Okay lang po iyon. Wala po akong hiniling na kapalit. Sapat na pong nakatulong ako sa inyo.” Pilit pa rin niyang iniwan ang chocolate. Salitang salamat na lang din ang ang aking nabanggit at Merry Christmas.