Fieldwork

Fieldwork

Ilang barangay ang aming pinuntahan para ialok ang mga Disaster and Risk Equipments at iba pa nating office supplies. Ang brochure na aming dala ang aming pinapakita sa mga taong nakakausap namin sa barangay. Inaalok din namin sila na maging Opisina Card Member namin.
Sa aming pag-aalok ay may napansin akong isang bagay. Ito ay yung pagdedesisyon ng aming kausap. Halimbawa na lang na kapag nakausap namin ang kagawad ng barangay na naka duty sa barangay hall hindi siya makapag desisyon ng maayos dahil kailangan daw naming kausapin ang kapitan ng barangay at iba pang kagawad ng barangay. Tapos ay pag-uusapan pa nila ito sa kanilang session. Naisip ko na baka pwedeng sumali tayo sa kanilang session nang sa gayon ay lahat sila ay kaharap natin at makakausap. Makukuha din natin ang kanilang mga opinyon para sa ating mga inaalok na produkto.
Masarap din sa pakiramdam na makausap natin ang mga sangguniang barangay. Mayroon kasi silang mga hindi alam tungkol sa ating tindahan. Halimbawa na lang ng mga dokumento na kailangan nila gaya ng Philgeps Cert, DTI, BIR at Business Permit. May mga barangay kasi na hindi alam na mayroon tayo nito lalo na yung nasa malalayo sa bayan. Nalalaman din nila ang mga produkto na hindi nila nakikita sa tindahan gaya ng mga Dry Seal, Cabinet (Other design), at iba pang office supplies na wala tayo sa tindahan. Ngayong buwan ng August ay ipagpapatuloy namin ang ganitong pag fieldwork sa mga barangay lalo na ngayong nalalapit ang araw ng botohan. Mas maiipakilala natin sa mga kapitan at kagawad ang mga Election Paraphernalia na maaari nilang mabili sa atin. Pwede din na maging choice nila tayo sa mga school supplies na maaari nilang ibigay o i-donate sa mga piling school nila ngayong nalalapit ang school opening. Umaasa kami na magkakaroon ng magandang resulta ang pagsama naming sa mga barangay session
 
#Samalikha#IsipPanday