Fake Epson 003 Ink
Marami ang bumibili sa aming tindahan ng printers at inks. Kadalasan ay mga paaralan, barangay at minsan naman for personal use. Ngunit sa panahon ngayon ay laganap na ang mga fake items. Nitong nagdaang linggo ay may bumalik sa aming Panauhin na nakikisuyo dahil sa kanyang printer na nabili. Ito raw ay hindi gumagana nang maayos at tila ba may blinking lights lang ito na notification.
Dali-dali ko itong dinala sa pinakamalapit na Service Center at napag-alamang nasira ang Print Head nito dahil sa paggamit ng fake inks at na-void din ang warranty ng printer. Nagtataka ako dahil genuine inks naman ang kasama ng mga printer na ating tinitinda pati na rin ang mga refills nito. Ipinakita ng Printer Technician ang mga pagkakaiba ng fake at genuine inks. Nagbigay na rin siya ng mga paalala upang maipaliwanag ng tama sa ating panauhin ang tungkol dito.
Nakausap ko ang ating Panauhin at pinipilit niya na sa ating tindahan daw binili ang fake na ink. Minabuti kong magbukas ng ating tinda na ink at pinagkumpara ito sa sinasabi niyang binili at ginamit sa kanilang printer. Dito napag-alaman namin na bumibili pala sila sa ibang supplier na halos kalahati ang presyo nito kumpara sa ating tinda. Laking panghihinayang nila rito dahil halos kapresyo na ng Brand New Printer ang magagastos sa pagpapaayos nito.
Sa gilid ng ating panindang mga ink ay mayroong QR Code at kailangan muna itong kiskisin upang mai-scan at ma-authenticate ang pagka-genuine nito. Maaari natin itong ipatupad upang makaiwas sa pangyayaring katulad ng aking naranasan na nagpupumilit ang Panauhin na dito niya ito nabili. Pwede rin natin itong buksan sa pamamagitan ng pag cutter sa ibabaw nito. Sa ganitong paraan hindi masisira ang kahon nito at maaaring i-tape itong muli kung hindi naman nila gagamitin pa ito. Nai-cascade ko na rin ito sa aking mga kasama, lalo na sa mga CSS na kadalasang humaharap sa ating mga Panauhin.