Estudyanteng Gustong Magtrabaho sa Pandayan Booksh
Marami na akong narinig na mga Panauhin na gustong-gusto magtrabaho sa Pandayan Bookshop pagkatapos nila sa kanilang pag-aaral. Mga estudyante na gustong maging katulad natin na nakadilaw at masayang nagtatrabaho sa ating tindahan, mga batang gusto maging kahera dahil natutuwa sa pagpindot sa POS at sa pag-open ng drawer, mga magkakaibigang gusto maging mechandiser at bagger dahil nakakatuwa raw ito. Iba-iba man pero iisa lang ang kanilang hangarin -- ang magtrabaho sa Pandayan Bookshop.
Habang nagtse-check ako ng delivery, biglang may dumaan sa gawi ko na isang batang PWD or may physical disability. Bigla na lamang akong kinausap at ang sabi, “Ma’am kapag nakatapos po ako gusto ko pong dito magtrabaho sa Pandayan.” Kaya natanong ko ito ng “Bakit dito mo gusto magtrabaho?” Huminto ito at biglang sumagot ng “Kasi po ma’am, parang ang saya-saya n’yo pong ginagawa ang trabaho n’yo.” Napangiti ako. Nang ako ay magsasalita muli ay bigla naman siyang naglakad paalis at nagsabi ulit na “Basta po. Dito ko gusto magtrabaho.” Hindi na ako nakapagsalita pero napangiti ako nang araw na iyon at nagalak dahil maraming nakakakita at nakakapansin na masayang magtrabaho sa Pandayan Bookshop.