DIY COIN COUNTER

DIY COIN COUNTER

Isang araw ay nagbanggit sa amin ang Tilap ng Talaan ng Benta na kailangan nila ng tulong sa pagbibilang sa kanilang mga coins na ipinapadala sa tindahan dahil ito ay may karamihan at talagang gumugugol sila ng mahaba oras para dito. Kaya agad kaming umaksyon upang tumulong sa kanila. Kami ay naglalaan ng 1 hanggang 2 oras sa umaga upang tumulong sa pagbibilang upang sa ganoon ay mas makatutok sila sa kanilang iba pang gawain.
Dito ay nabanggit ko sa aking mga kasama na ako ay mayroong isang bagay na gagawin na mas makakatulong upang mas mapabilis pa ang aming pagbibilang. Noong una ay gumawa ako ng sample gamit ang scrap ng karton kung magiging epektibo ba ang aking magiging DIY coin counter at ng aking ngang subukan ito ay hindi ako nagkamali dahil epektibo nga ito. Agad kong binalita ito sa aking mga pinuno. Nakakataba ng puso dahil buo ang suporta nila sa aking naisip kaya agad kaming nagtungo sa Tilap ng Ari-Arian upang magpagawa ng mas matibay, gamit ang mga scrap na PVC pipe.
Kami ay nagpapasalamat kay Sir Pau sa mabilis na aksyon sa aming proyekto. Nang magawa na ito ng Kapwa mula sa PD ay agad naming sinubukan at noong aming inorasan ay nakaka-limang bag kami ng coins sa loob ng 30 minutes gamit ang DIY Coin Counter.