DEPED Antipolo Division Expo 2024

DEPED Antipolo Division Expo 2024

Tayo ay naimbitahan ng DEPED Antipolo sa Ynares Event Center sa pangunguna ni Ma’am Bernadette Patag na mag booth selling sa ginanap nilang Division Education Expo 2024 bilang isa po sa mga stakeholders.
 
Unang pagkakataon ito na tayo ay maimbitahan sa mga ganitong programa. Ito ay dinaluhan ng mga iba’t ibang representative ng elementary at high school sa buong Antipolo na may mga sariling Educational Exhibit Booth tulad po ng Math, Filipino, Araling Panlipunan, MAPEH at Kindergarten Learning Resources upang maipakita ang kahalagahan ng pag-aaral lalo sa iba’t ibang subject at mga programa ng DEPED tulad ng Project Aral, Do the Math at Kindergarten Camp upang mas mahasa ang mga estudyante sa kanilang mga abilidad.
 
Sa ating dalawang araw na pakikilahok sa DEPED Expo ay nag-enjoy ang ating mga estudyante sa ating palaro na iPandayan Game at tuwang-tuwa sila sa ating binibigay na prizes sa sa iPandayan Game winners.
 
Nagkaroon din tayo ng new member ng Guro Card. Sa ating booth selling naman po ang naging benta po natin ay hindi ganoon kalaki dahil hind gaanong marami ang tao at mas naging focus po sila sa mga programs at Exhibit Booth.
 
Bukod doon ay tanging ang Pandayan lamang ang booth na nagbebenta. Hindi man naging mataas ang benta natin ay naging tulong din ito na naging katuwang tayo ng DEPED Antipolo pagdating sa kahalagahan ng edukasyon at pagpapakita natin ng suporta sa mga ganitong aktibidad.
 
Bilang pagtugon na rin natin sa ating misyon na Maging Kabalikat ng Pamayanan Tungo sa Kabutihan at Karunungan. Mas naipakita at naibahagi din natin sa mga estudyante at guro ang ating mga paninda lalo na ang ating mga house brand items. Sa huli ay nagpasalamat sa atin ang DEPED Antipolo at naging tulay din ito na makausap ko ang kanilang kanilang Education Program Supervisor sa Mathematics na si Ma’am Girlie Nombres upang makagawa tayo ng proposal at makapag-conduct tayo ng Canon Scientific Calculator training para sa mga Math Teachers ng DEPED Antipolo.