Couple’s Retreat

Couple’s Retreat

Isa na namang makabuluhang karanasan ang nakaraang couple’s retreat. Sabi nga ng mga naging speakers namin mula sa Family is a Gift ay hangang-hanga sila sa ating kompanya dahil hindi lamang puro trabaho ang ating mga seminar kung di nagkakaroon din tayo ng ganito kung paano mapagtitibay ang samahan ng asawa’t pamilya. Para sa akin tama na napakapalad naming mga Panday dahil sa mga seminar na aming dinadaluhan. Tungkol ito sa pagiging isang mabuting kapwa.
Masasabi kong matapos naming dumalo ng seminar ng aking asawa’y lalo kaming pinagtibay at mas lalo naming naintindihan at na realize ang pagiging mag-asawa at pamilya sa hirap at ginhawa. Sa aming talakayan hindi ko rin talaga maiwasang maiyak lalo na sa activity na aming ginawa na nag one on one kami. Dito nagkaroon kami ng oras na kaming dalawa lang at pinag-usapan namin ang aming mga binuod na dapat pag-usapan. Isa na nga dito ang lagi naming mga pinagtatalunan na maliit na bagay na aming pinalalaki hanggang sa mag-away kami talaga. Ang isa nilang pinaalala ang pinakasentro ng aming pagmamahalan ay ang nasa taas. Ganoon din ang kahalagahan ng quality time sa pamilya. Isa ito sa noon ay madalas namin talaga pag-awayang mag-asawa dahil sa trabaho ko ay madalas daw wala akong oras sa kanila noon. Pero dahil nga mas pinaintindi ko sa aking asawa ang klase ng aking trabaho ay mas naunawaan niya ito at dahil kay Pandayan ay nagbago ang buhay namin. Lalo na noong nakapasok siya sa Pandayan sa Antipolo. Doon ay mas naunawaan niya ang klase ng aking trabaho at lagi nga niya sinasabi na maswerte nga raw kami sa ating kompanya.
Noong matapos nga ang aming couples retreat ay sobrang nagpapasalamat kaming mag-asawa. Una sa Taas dahil gumamit si God ng mga instrumento upang magkaroon ng couple’s retreat, at iyon ay ang Pandayan, ang ating mga Boss at ang HR na binigay ang 2 araw upang magbahagi ng libre at may bonus pa na give away para sa aming mag-asawa ang libreng picture taking at may hard copy pa at may pa rose at chocolate pa. Ang pang huli ay sa mga speaker sa Family is a Gift. Sobrang dami naming natutunan bilang mag-asawa at babaunin ko lagi na kung ‘di dahil kay Pandayan ay hindi ko mare-realize na sa pag-aaway ay hindi pala laging babae ang tama (LOL), na may tinatago na rin palang kirot ang puso ng asawa ko na at salamat sa activity na ito ay napag-usapan namin.