
CAREER COSTUME DAY
Noong sinabi ng teacher na magkakaroon sila ng career costume day ay bigla akong napaisip kung anong costume ang gusto ng anak ko. Diniin pa ng teacher na hindi kailangang gumastos para dito. Since nasabi naman noon ng anak ko na gusto niyang magtrabaho sa Pandayan Bookshop ay naisip kong pwede kong ipasuot ang aking uniform sa kanya upang magkaroon siya ng career costume.
Nakakatuwa dahil sa kakaiba ang kanyang costume ay siya ang naging representative ng kanilang section. Dahil daw ito sa pagiging unique ng kanyang career costume dahil ang ibang suot ng mga bata ay yung common ng nakikita sa bawat career day tulad ng doctor, nurse, flight attendant at marami pang iba. Hindi man siya nanalo na best in career costume ay masaya na kaming maging kinatawan siya ng kanyang section. Maligaya ang puso ko na maipagmalaki ng anak ko ang trabaho ko sa Pandayan Bookshop sa pamamagitan ng event na ito.