Burger Styrocut

Burger Styrocut

Madalas sa amin may mga nagpapagawa ng mga kakaibang Pasadya. Kadalasan ay unang beses pa lamang gawin o mae-encounter. Sa kabila ng pagiging abala sa preparation ng annual inventory, nagawa pa rin namin itong tanggapin. May isang mag-aaral kasi na lumapit kay SE para magpagawa ng burger na pasadya. Sa una ay di pa namin ito natanggap dahil sa tambak na gawain ngunit nang bumalik ang mag-aaral ay tinanggap na ito ni SE Franz dahil nakiusap ang mag-aaral.
Ang totoo ay nag-alangan ako nang iatas sa akin ito pero nagawan pa rin ng paraan para maisingit sa gawain. Naisip ko rin kasi ang laging binabanggit ni SE na lagi namin dapat priority ang mga Panauhin kaya naman inuna ko itong gawin bago ako mag-proceed sa aking PPS. Sa tingin ko naman ay maayos ang kinalabasan nito at tiyak may susunod pang magpapagawa nito.