Binayaran ang Kulang
Isang hapon, may mag-lolang Panauhin ang bumili sa atin. Ang CSS sa baba ay nagtawag ng isang regular upang magpa-void sa pinamili ni Panauhin at nataon na ako ang pumunta sa Counter 1. Dahil sa short of cash ang Panauhin ay kinailangan na magbawas ng items na punch na. Tinanong namin kung ano ang ipapatanggal na item at nagbawas kami ng pinakamahal na item na nakuha nila ngunit di pa rin sasapat sa perang hawak dahil wala na raw matitira para sa kanilang pamasahe pauwi. Nagtitinginan ang mag-lola at di maka-decide kung ano pa ang tatanggalin.
Tinanong ko kung magkano ba ang budget nila para sa pinamili at kung kailangan na kailangan ba ng bata ang mga natirang pinamili nito. Dahil maliit na lang ang halagang kailangan nila, binanggit ko na ako na lamang ang magpupuno ng kakulangan sa bayad nila upang hindi na kailangan na bawasan pa ang items. Nangiti si lola at banggit na, "Hala, siya na ang nagbayad sa kulang." Ang sarap sa pakiramdam na hindi pa man ako nakakatulong ngayon sa mga nangangailangan ng gamit ng malaking halaga, masaya na ako dahil kahit papaano ay nakakatulong ako ng paminsan minsan sa mga kapwa tao ko kahit na maliit na halaga.