Balik ng Mabuting Gawa
Mula ito sa kwento ni Kapwa Reggie sa araw ng kanyang aksidente. Dahil sa impact ng pagbungo sa kanya ay nawalan siya ng malay. Nakahandusay sa kalsada at nagkalat ang kanyang personal na gamit. Isang babae ang lumapit at dahil sa uniform ay kanyang nakilala ang Pandayan Bookshop. Hindi nagdalawang isip ang babae na tulungan si Kapwa Reggie kahit hindi pa ganoon kaaninag ang mukha nito na nakasuot ng helmet. Pinulot ng babae ang gamit ni Kapwa Reggie at tinabi sa katawan nito.
Habang naghihintay ng rescue ay hindi siya iniwan ng babae bagkus ay binantayan siya. Noong magkamalay siya ay patuloy siyang kinakausap upang may ulirat siyang abutan ng rescue. Tsaka lamang siya iniwan ng babae nang siya ay makasakay ng rescue patungo sa hospital.
Bukod dito ay nag-message din siya kay SE Dianne noong gabi ng aksidente na, “Hi Ma’am. Good evening po. Naaksidente ang kasamahan ninyo dito sa papasok sa Tumauini bypass. Paki puntahan na lang po.”
Habang kinukweto ni Kapwa Reggie ang pagmamalasakit ng babae sa kanya, naisip ko na tunay nga na patunay ito na tayo ay may mabuting layunin sa ating pamayanan. Kaya naman bumabalik sa atin ang mga mabuting ginagawa natin sa pamayanan lalo sa hindi inaasahang pangyayari. Sa huli ay napag-alaman namin na ang babae ay isang estudyante at regular na panauhin natin sa Pandayan Tumauini.
2 days ng aksidente ay personal na hinanap ng panauhing babae sa messenger si Kapwa Reggie upang kumustahin ang lagay. Nagpakilala siyang regular Panauhin sa Pandayan Tumauini. Natutuwa siya na maayos na si Kapwa Reggie. Sobrang pasasalamat ni Reggie sa panauhin dahil sa tulong niya walang gamit ang nawala at hindi siya pinabayaan kahit hindi siya kilala.