Babalik Ako, Sir
Tuwing may probee kami na ‘di pumasa ay naglalaan ako ng oras upang makausap sila sa kanilang last day, mga huling habilin at pasasalamat dahil sa kanilang naitulong sa aming tindahan. May isang Kapwa probee akong nakausap nitong nakaraan na habang papatapos na ang aming usapan ay binanggit niya ang mga salitang "Babalik ako, sir." Sabi ko, “Bakit?” kahit alam ko naman na nasabi ko na sa kanya noong una na may 2nd chance pa siya.
Sabi niya, “Masaya pong magtrabaho sa Pandayan, Sir. Bukod sa mga benepisyo ay magaan katrabaho ang mga Panday. Sa ibang company kasi na pinasukan ko hindi ganito ang trato sa mga empleyado. Masaya po ako sa halos limang buwan na pananatili ko dito. Madami rin po akong natutunan sa inyo at sa mga Sir ko dito. Hindi nga po ako tinamad na pumasok. Sana po sa pagbabalik ko ay tanggapin pa po ninyo ako at turuan pa. Subukan ko rin pong i-improve ang aking mga pagkukulang.”
Sa pagkakabigkas niya ng mga salitang iyon ay masaya ako kasi malaki pala ang epekto ng Pandayan sa kanya na tila aabangan niya ang kanyang pagbabalik at muling maglilingkod sa Pandayan at sa ating mga mahal na Panauhin.