BUTI NA LANG MAY PANDAYAN

BUTI NA LANG MAY PANDAYAN

May dalawang panauhin ang pumunta sa aming tindahan, mag-asawa sila. Si Kapwa Chesca ang unang nakausap at nagtanong ang panauhin kung gumagawa raw ba tayo ng souvenir sa kasal. Hindi sigurado si Kapwa Chesca sa kanyang isasagot kaya pinuntahan niya ako upang kausapin ang panauhin. Ang nais ng panauhin ay gawan sila ng mga lalagyan ng kanilang mga souvenir sa kasal. May dala ang panauhin ng mga wine, scented candles at pouch. Ang gusto nila ay gagawan ng lalagyan ang mga scented candles at gagawan naman ng box ang mga wines at pouch. Tinanong nila ako kung ano raw ba ang magandang gawin at gamitin. Nai-suggest ko naman sa panauhin ay gagawan ko ng lalagyan gamit ang abaca mat ang mga scented candles at gagamitan ko naman ng shoe box ang mga wines at pouch. Lalagyan ko ito ng mga design. Sumang-ayon naman ang panauhin sa aking suggestions. Ako na raw ang bahala sa mga gagamitin at design na ilalagay. I-compute ko na lang daw ang lahat ng gagamitin. Bali 12pcs scented candles, 4pcs na wines at 2pcs na pouch ang kanilang ipapagawa.
Tinanong ko ang panauhin kung kailan nila ito kailangan. Sumagot ang panauhin na sa makalawa na raw ang kanilang kasal at hindi na raw nila ito maaasikaso. Kaya’t tinanggap ko ito. First time ko na tatanggap ng Pasadya sa Pandayan na ang gagawin ay souvenir sa kasal. Sinimulan ko gumawa ng isa upang maipakita sa Panauhin ang aking ginawa at kung magugustuhan nila ito or kung may gusto sila ipabago. Sinend ko sa messenger ng panauhin ang aking ginawa at nagustuhan nila ito.
Within the day din ay sinimulan ko na ito upang maaga ko itong matapos. Kinabukasan nag-chat ako sa panauhin upang inform sila na tapos na ang kanilang pinagawa. Pumunta ang panauhin, silang mag-asawa, upang kunin ang kanilang pinagawa. Masayang-masaya ang panauhin sa naging output ng aking ginawa labis ang kanilang pasasalamat sa akin dahil nabunutan daw sila ng tinik. Hindi daw nila alam kung paano sisimulan at gagawin ang gusto nilang souvenir sa kanilang kasal. Umalis ang panauhin na abot ang pasasalamat at nabanggit nila na “Buti na lang may Pandayan!”
Ilang oras lang ang lumipas habang kami ay nagdedeposit ni ASE Franz, may lumapit sa amin. Yung mag-asawang panauhin na nagpagawa ng souvenir ay inaabutan ako ng pera. Bayad daw sa abala nila sa akin. Tinanggihan ko ito at sinabi ko na parte ito ng aming trabaho at sambit ko pa na balik na lang sila sa aming tindahan at muling mamili.