Asikasong Nasa Puso 2.0
Mayroong dalawang batang babaeng Panauhin na Grade 6 sa Adele Grace ang madalas na bumibili sa aming tindahan. Napakagiliw nila at mabait na mga bata. Isang araw ay sabay sila nagbabayad sa aking counter at matapos nilang magbayad ay nagtanong sila sa akin. "Kuya maaari ba kami magbigay ng tip sa inyo?" wika niya sabay may hawak itong pera sa kanyang palad. Ako ay nagulat at napangiti sa kanyang binanggit. "Gusto kita bigyan ng tip for the good service,” dagdag pa ng batang babae. "Naku! Salamat ngunit di ko ito matatanggap. Napakagiliw mo naman. Kung nais mo akong bigyan ay mas mainam na ihulog mo na lang ito sa aming PGH can at makakatulong ito sa lubos na nangangailangan,” sambit ko na nakangiti.
Ako ay nagpasalamat na lamang ng husto dahil sa murang edad nila ay gusto nilang suklian ang mabuting gawa ng tao na kanilang natamasa mula sa iba na hindi naman nila kilala. Nakakatuwang isipin ang malasakit at pag-asikasong nasa puso sa ating mga Panauhin ay nabibigyang pansin at nasusuklian ng malaking pasasalamat at kontento na tayo dito. Dahil alam natin na naibigay natin sa kanila ang asikaso at pagpapahalaga.