Asikasong Nasa Puso

Asikasong Nasa Puso

May matanda na lumapit sa akin sa counter at nagtanong kung mapi-print daw ba na panibago ang kaniyang application form sa passport. Sinabi ko sa kanya na maaari naman po ito mai-print i-send na lamang po ang file sa ating email address. Ngunit ang sabi niya ay anak daw niya ang nagproseso ng kanyang passport online. Umalis ang Panauhin na bakas sa mukha ang kalungkutan. Maya-maya ay bumalik ito at lumapit muli sa akin at nagtanong kung maaari ko raw bang makontak ang kanyang anak para mapaliwanag dito ang gagawin. Ang sagot ko sa kaniya ay “Oo naman po. Ano po ba ang number ng inyong anak?” Ibinigay niya ito at nang sumagot ang Panauhin ay ipinaliwanag ko sa kaniya na i-send ang files sa ibibigay ko na email address. Kaagad naman na nai-send ng Panauhin ang files na kailangan ng kanyang tatay.

At pagkatapos kong mai-print ang kailangan ni tatay ay inabot ko ito sa kanya at sinabi ang halaga ng kanyang babayaran. “Limang piso lang po, tatay,” wika ko. Medyo nagulat pa ang Panauhin at ang sabi ay “Limang piso lang? Eh bayaran ko na rin ang serbisyo na ibinigay mo.” Ang sabi ko ay “Naku sir, walang anuman po iyon. Print lang po talaga ang babayaran ninyo.” Lubos ang pasasalamat ng Panauhin sa akin. Sa ganitong maliit na paraan na ating ginagawa ay malaking tulong na para sa iba, lalong-lalo na sa ating mga Panauhin.

 

#Samalikha #LingkodPandayan