
Annual Medical
Isa sa mahalagang bagay ay ang malaman natin ang kalagayan ng ating katawan, kung tayo ba ay malusog o may sakit na tayo na hindi pa natin alam. Naalala ko tuloy dati noong nagtatrabaho pa ako sa Jollibee. Mayroon din kaming Annual Medical na mandatory ngunit kami rin ang nagbabayad nito. Hindi tulad dito sa atin sa Pandayan na mismong kompanya ang may sagot nito. Hindi lang talaga sa negosyo nakatutok ang ating mga boss pati na rin sa kalusugan ng mga kapwa Panday. The best na kompanya para sa akin ang Pandayan.