Anim na Taon
Anim na Taon
Ryan Miranda, Cabiao
Tila kay bilis ng panahon
Sa Pandayan anim na taon
Kaalaman ay baon-baon
Saan man paparoon
Sa aking paglalakbay
Maraming sumusubaybay
Mga turo at patnubay
Sa akin ng mga Kapwa Panday
Kultura ng Tagumpay natatanging aklat
Bawat pahina at nakasulat
Hatid sa aming kaalaman ay sapat
Susi naming lahat
Pandayan Uno, Dos, Tres, Cuatro
Layuning pagpapakatao, pakikipagkapwa-tao
at pagkamakatao
Binago ang aking pagkatao
Pamumuhay ko ay nagbago