
Ang Paghubog sa mga Tagapagpatupad ng Pandayan
Personal Growth
Bilang isang TAO ay kailangan makikilala mo ang iyong sarili at mahubog. Sa pagkilala sa iyong sarili dapat ay malaman mo kung ano ang dapat mong baguhin at lalong pag-yabungin ang mabuting pag-uugali upang mas madali kang makisama sa ibang tao. Malaking tulong sa mga Kapwa kagaya ko ang Kultura ng Tagumpay na humuhubog sa aking pagkatao. Mahalagang matutunan ng bawat Kapwa ang aral na nilalaman nito. Ito ay makakatulong upang maging isang mabuting tao. Kailangan ding taglayin ng isang tao ang Kapwa factor upang magkaroon ng makabuluhang buhay. May kasabihan nga na ang isang mabuting tao ay magiging isang mabuting pinuno.
Productive work
Magkakaroon ang isang tao ng productive na trabaho kung matututunan niyang mahalin at pahalagahan ang kanyang trabaho. Bilang isang manggagawa sa Pandayan mahalaga sa akin na mahalin ang aking trabaho kaya ito ay aking pinagbubutihan upang magkaroon ng kapakipakinabang na output. Bawat oras o minuto ay hindi ko pinapalampas na walang natatapos na gawain. Kung gaano pinapapahalagahan ng Pandayan ang bawat empleyado ay ginagawa ko rin ang lahat upang makapag serbisyo ng maayos.
Profitable Company
Hindi magiging profitable ang isang kompanya kung walang mga tao o kaya empleyado sa likod nito. Sa Pandayan ay tinuturing na invisible asset ang mga empleyado na nagtutulong-tulong upang makabuo ng proyekto upang makatulong sa pagpapalago ng kita.