Ang Aking Lakbay Panday
Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Parang kailan lang ay nagsisimula pa lang ako sa Pandayan bilang isang ordinaryong probationary employee. Naaalala ko pa na noong mga panahon na iyon ay wala ako ibang hangad o layunin kundi magkaroon lang ng pagkakakitaan para makatulong sa pamilya. Wala sa aking hinagap na aabutin ako ng ganitong panahon sa Pandayan. Nasa 30 years na ang kompanya na humubog at nagbigay inspirasyon sa akin upang magpatuloy at mangarap sa buhay.
Tanda ko pa rin noong nagsimula ako sa Pandayan ay nasa ika-15th year anniversary ito. Makalipas ang another 15 years ay heto ako. Masasabi ko na malayo na ang aking narating sa aking Lakbay Panday. Mula sa aking pagkatao, personal na buhay, buhay pampamilya, buhay komunidad ay lubos ang aking pasasalamat sa isang napakabuting kompanya na hinubog ako bilang isang mabuting tao. Hindi ko man masabi sa salita pero sa aking puso ay nag-uumapaw ang pasasalamat dahil sa Pandayan ay narating ko kung ano man ang meron ako sa buhay ngayon -- may sariling bahay at lupa kasama ng aking pamilya, may sapat na kita para sa pang-araw araw na pangangailangan, nakakatulong pa rin ako sa aking nanay at mga kapatid, nakakapamasyal paminsan-minsan. Sa tulong din ng Sarilikha ay nakakapag-ipon para sa darating na bukas lalo na sa pag-aaral ng aking anak sa pagdating ng panahon. Masaya at forever thankful ako na bahagi ako ng pamilya ng Pandayan. Ang kompanya na naging kabalikat ko at katuwang sa aking lakbay sa buhay. Maraming salamat Pandayan! Proud Panday Ako.