Acts of Kindness
Lumapit ako sa kanilang Principal, kay Ma’am Trinidad Toriano upang ipaabot ang ating pasasalamat sa kanilang pagpayag na magsagawa tayo ng booth selling sa kanilang school. Kasabay nito ang muling pagbati ng Happy Teacher’s Day sa iba pang mga guro na aking nakita doon. Dalawang Teacher ang pabiro na lumapit sa akin, “Kuya wala bang pa-chocolate diyan?” ngumiti lamang ako sa kanila ng kaunti at natatawa dahil sa kaniyang biro. Sila ay nagtawanan din naman.
Matapos ito ay bumalik na ako sa booth para ituloy ang pagpa-pack up. Hindi ko napansin. Sumunod pala sa akin ang dalawang guro na iyon. “Ay Kuya hindi kami nagbibiro,” sambit ng guro. Dito ko na hindi napigil ang aking ngiti dahil natuwa ako sa kakwelahan nilang dalawa.
Kaya pumayag na ako at pinapili sila kung ano ang kanilang gusto at ang sabi nila ay ako na lamang ang mamili. Tanging goya chocolate lamang ang aking binili at naibigay sa kanila ngunit ang kanilang ngiti ay priceless talaga. Nakailang thank you sila sa akin hanggang sila ay makauwi.
Nakakatuwa lang na sa maliit na halaga lamang ay nakapaghatid na ako ng tuwa sa kanila sa ngalan ni Pandayan na ni minsan ay hindi ko nagawa sa aking mga guro noong ako ay estudyante pa lamang din dahil kung minsan nga ay maski baon ay wala ako.
Sabi ko pa nga sa Kapwa probee na aking kasama ay “Habang suot natin ang uniporme na ito ay dala din natin ang pangalan ng Pandayan kaya naman ang simpleng Act of Kindness na kagaya noon ay tatatak hindi lamang sa akin at sa iyo, kundi sa lahat ng nagsusuot ng unipormeng ito at siyempre sa Pandayan Bookshop.”