13th Cagayan Valley Consumer Assembly
Kami ni GE Yahj ay dumalo sa pagpupulong na ito ng DTI bilang kinatawan ng Pandayan dito sa Region 2. Sa umaga ay nagkaroon ng Forum at iba’t ibang Key Speakers tungkol sa Sustainable Consumption, mga paraan at mga government agencies na maaaring takbuhan at responsible sa pagpapatupad nito. Ipinakita rin ang mga programa na ginagawa ng DENR, DTI at iba pang sangay ng gobyerno patungkol dito sa buong Region 2.
Pagsapit ng hapon ay awarding naman ang ginawa. Sa pangalawang taon, nabigyan muli ng parangal ang ilang sangay natin dito sa Region 2 bilang mga “Labor Friendly Awardees” (Pandayan BBG45, SOL41, SOL56, SGX59, STG58, TUG47, APR83, MRA80, at ILA39). Hakot-Award na naman daw tayo ayon kay Provincial Director Rowena Felix Mayangat.