[SP2018] Kulaysaysayan: Mural Painting Contest

Mga alituntunin sa paligsahan:

1. Ang tema ng paligsahan sa paggawa ng mural ay “Kasarinlan at Demokrasya, Pamana ng Kasaysayan sa Kabataang Filipino”.

2. Ang paligsahan ay bukas para sa mga Senior High School mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Bulacan. Ang mga mag-aaral na nais lumahok ay dapat kasalukuyang nakatala sa kanyang paaralan, at sakop ng school year 2017-2018.

3. Ang bawat grupo ay dapat binubuo ng apat (4) na miyembro.

4. Ang grupong pasado sa kwalipikasyon ay kailangang magpatala simula sa Ika-8 ng Enero hanggang ika-17 ng Pebrero, 2018 sa pinakamalapit na sangay ng Pandayan Bookshop.

5. Ang halaga ng pagpapatala ay dalawandaang piso (P200.00) bawat grupo.

6. Labinlimang (15) grupo lamang ang maaaring makalahok sa paligsahang ito. Opisyal na idedeklarang tapos na ang pagpapatala kapag nakumpleto ang bilang ng mga grupong kalahok kahit na hindi pa umabot sa itinakdang araw ng pagtatapos ng pagpapatala.

7. Ang oras at araw ng paligsahan ay sa:

Araw: Ika-23 ng Pebrero, 2018
Lugar : Malolos Sports & Convention Center, Malolos City, Bulacan
Oras:
7:00 AM – 8:45 AM – Paglilista ng mga nakatalang kalahok
8:45 AM – 9:00 AM – Maikling pagpapaliwanag ukol sa paligsahan
9:00 AM – 1:30 PM – Oras ng paligsahan
3:00 PM – 3:30 PM – Parangal at pagtatanghal ng mga nagwaging likhang sining

8. 4×4 ft. plywood wall ang magsisilbing canvas, at acrylic o water-based paint ang pangunahing pangkulay ng bawat grupo. Magmumula sa United Architect of the Philippines ang mga nabanggit na materyales.

9. Ang Pandayan Bookshop ang magtatalaga ng numero sa bawat likha ng mga kalahok. Walang pangalan, pirma o ano pa mang pagkakakilanlan ang maaaring lumitaw saan mang bahagi ng likhang sining.

10. Ang batayan sa pagpili ng magwawagi ay:

Pagkaorihinal at Pagkamalikhain – 60%
Kaugnayan sa Tema – 30%
Kalinisan ng Likhang Sining – 10%

11. Ang magwawagi ay tatanggap ng sumusunod:

Unang Pwesto – P10,000.00 & tropeo
Ikalawang Pwesto – P7,000.00 & tropeo
Ikatlong Pwesto – P5,000.00 & tropeo
3 Consolation Prizes – P1,000.00

Maglalaan ang Pandayan Bookshop, Inc. ng katibayan ng kahusayan para sa mapipiling magwawagi, sa kanilang group adviser at sa eskwelahang kanilang kinabibilangan.

12. Ang lahat ng mga likha ay magiging pag-aari na ng Department of Tourism ng siyudad ng Malolos subalit maaring ipahiram sa Pandayan Bookshop kailan man ito kailanganin para sa mga proyektong kakasangkapanin ang mga nagwaging obra. 

13. Ang larawan ng mga nanalong likha ay ilalahad sa lahat ng sangay ng Pandayan Bookshop, sa social media accounts at sa website nito.

14. Hindi pinahihintulutan ang paglahok ng kamag-anak ng sinuman sa mga Kapwa na taga-Pandayan Bookshop.

Para sa mga paglilinaw, maaaring tumawag o mag-text kina:

Denver Dutollo – 0933-812-4722
Amor Dionisio – 0933-854-3052

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *