[SP2018] Kamay Likha: Craftsmaking Competition

Mga alituntunin sa paligsahan:

1. Ang guro na nais sumali ay dapat bumuo ng grupo na may limang miyembro. Ang guro ay maaaring magsali ng kahit ilang grupo para sa kompetisyon.

2. Kailangang magtungo ang guro sa pinakamalapit na Pandayan Bookshop para i-register ang mga grupo na isasali niya sa kompetisyon. Pagkatapos niya i-register ang mga ito, bibigyan siya ng group code kada grupo na isinali.

3. Dapat ibigay ng guro ang group code sa kanyang mga pinarehistrong grupo.

4. Bawat miyembro ng grupo ay kailangang pumunta at bumili sa Pandayan Bookshop ng tig-1 Popsicle Stick House Kit (nagkakahalaga ng Php 99.75 bawat isa). Pagkabili ng miyembro, dapat siyang pumunta sa Customer Service Counter at ibigay sa customer service personnel ang kanyang pangalan at kanilang group code para maconfirm ang kanyang pagsali.

Makukumpleto ang registration ng grupo kapag ang limang (5) miyembro nito ay bumili ng kit at nag-confirm ng pagsali sa Customer Service Counter.

5. Bumuo ng popsicle stick house gamit ang nabiling kit. 

Mga basic requirements sa kompetisyon:

  • Required Size: ¼ Illustration Board
  • Side na gagamiting base: WHITE SIDE ng illustration board
  • Isulat ang group code sa “upper right corner” ng illustration board. • Required size ng group code ay 1 inch (H) x 3 inch (W)

6. Maaaring gumamit ng iba pang mga materyales (Recycled Materials) para mas mapaganda ang ginagawang Popsicle Stick House.

7. Pagkatapos gawin ang Popsicle Stick house, kuhanan ito ng picture ayon sa mga sumusunod:

  • 1 picture ng front view
  • 1 picture ng left side view
  • 1 picture ng right side view
  • 1 picture ng back view
  • 1 picture ng top view

Dapat walang filter at klaro ang mga picture. 

8. I-send sa merchcontest@gmail.com ang 5 picture ng popsicle stick house, kasama ang iba pang sumusunod na detalye ng grupo:

Subject ng email: Assigned Group Code

Body ng email:

(1) Pangalan ng paaralan
(2) Pangalan ng guro
(3) Contact number ng guro
(4) Pangalan ng 5 miyembro ng grupo
(5) Grade level at section ng grupo
(6) Maikling salaysay tungkol sa nilikhang popsicle stick house (hindi lalampas sa 200 words)

Makakatanggap ng email acknowledgement ang grupo bilang confirmation ng submission ng kanilang entry.

Deadline ng submission ng entry sa email ay sa darating na ika-17 ng Pebrero, 2018, 6:00 PM.

9. Kapag napili ang likha ng grupo bilang isa sa mga finalist, makakatanggap ng tawag at email ang guro nito mula sa Pandayan Bookshop.

10. Kailangang dalhin ng mga napiling finalist ang kanilang Popsicle Stick House sa 1st day ng Sining Pandayan 2018 sa darating na ika-22 ng Pebrero, 2018 sa ika-sampu ng umaga para sa pagtatanghal at paggawad ng mga nanalo sa hapon ng programa. 

11. Criteria for Judging; 

Originality – 30%
Creativity and Resourcefulness – 30%
Craftsmanship – 20%
Over-all Presentation – 20%

12. Ang mga premyong maaaring mapanalunan ng grupo ay ang mga sumusunod:

1st – P5,000 cash, Trophy, & Gift Packs
2nd – P4,000 cash, Trophy, & Gift Packs
3rd – P3,000 cash, Trophy, & Gift Packs
4th – P2,000 cash, Certificate, & Gift Packs
5th – P1,000 cash, Certificate, Gift Packs
6th to 10th – P500 cash, Certificate, & Gift Packs
10 Honorable Mention – Certificate Gift Packs

13. Ang guro ng mga nanalong grupo ay tatawaging “Natatanging Arts and Crafts Teacher” at makakatanggap ng mga sumusunod:

1st – P3,000 cash, Certificate, & Gift Pack
2nd – P2,500 cash, Certificate, & Gift Pack
3rd – P2,000 cash, Certificate, & Gift Pack
4th – P1,500 cash, Certificate, & Gift Pack
5th – P1,000 cash, Certificate, & Gift Pack
6th to 10th – P500 cash, Certificate, & Gift Packs
10 Honorable Mention – Certificate & Gift Packs

Isang beses lamang pwedeng manalo ang isang guro, at ang mas mataas na premyong napanalunan ang igagawad.

14. Ang school ng mga nanalong grupo ay makakatanggap rin ng mga sumusunod na premyo:

1st – P5,000 worth of Office and School Supplies Gift Pack
2nd – P4,000 worth of Office and School Supplies Gift Pack
3rd – P3,000 worth of Office and School Supplies Gift Pack
4th – P2,000 worth of Office and School Supplies Gift Pack
5th – P1,000 worth of Office and School Supplies Gift Pack
6th to 10th – P500 cash, Certificate, & Gift Packs
10 Honorable Mention – Certificate & Gift Packs

Isang beses lamang pwedeng manalo ang isang guro, at ang mas mataas na premyong napanalunan ang igagawad.

15. Maaaring i-revise ng Pandayan Bookshop, kasama ng Elmer’s Glue at Colleen, ang mechanics ng nasabing kompetisyon ng may paunang pahintulot ng DepEd.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *