Kilabot Tale: Tiktik – Jeffrey Madiz

Tandang-tanda ko pa itong isa kong nakakatakot na karanasan. May eleksyon noon at dahil malapit lang kami sa mababang paaralan, paroo’t parito ang mga tao na dumadaan sa amin. Mag hahating gabi na nang umuwi ako ng aming bahay, nakahiga na ako nang makarig ako ng isang pamilyar o hindi pamilyar na tunog. Tik tik tik… ang sabi ko sa sarili ko tiktik ba yun. pa iba-iba siya ng pwesto kaya nag pasya na ako na sumilip sa bintana at nag matyag. Humina, at humina pa ng humina ang tinig na narinig ko. Bumalik ako sa higaan at nakiramdam. Bumabalik ang tinig lumalakas humihina at paiba-iba ng pwesto, kaya nagpasya ako na umakyat ng bubungan namin at nag patingin-tingin, wala naman ako nakita pero nandoon ang tinig na humina paiba-iba ng pwesto hanggang sa hindi ko na siya marinig.

May paupahan noon ang aking mga magulang sa kabila ng aming bahay na nakatira ay ang malapit naming kaibigan. Mayroon silang buntis na anak na babae, kaya bumaba ako mula sa bubungan at nagpasya ako na pumunta sa kanila. Kumatok ako at ginising ko sila, sinabi ko ang nangyari at hanggang sa sandaling iyon ay nadoon pa rin ang tinig na humihina’t lumalakas at paiba-iba ng pwesto. Pinasara ko ang malaking bintana na kadalasan ay nakabukas ng todo dahil daw ay para presko at makapasok ang hangin.

Umuwi na ako sa amin, humiga at nakikiramdam. Meron pa rin tik tik tik na tinig pero hindi ko na siya gaanong inintindi dahil alam ko na safe na sa kabila. Hanggang sa sumunod na gabi ay meron pa rin tinig ngunit sa ikatlong gabi ay wala na yun tik tik tik.

Kaparehong karanasan ito noong ipinagbubuntis ng aking asawa ang aming panganay. pumasyal kami sa kanilang probinsya kasama ang kanyang mga magulang. Unang gabi pa lang bago mag alas 10:00 ng gabi habang nanonood kami sa telebisyon narinig ko na ang tinig na tik tik tik. kaya pinaakyat ko na si misis sa taas ng kanilang bahay, maya-maya ay sumunod na rin ako sa itaas ng bahay. Isinara ko ang mga bintana at naging handa. Naglagay kami ng bawang, asin na sa alam namin na makakatulong sa ganoong pagkakataon. Hindi ako natulog agad dahil nakikiramdam ako sa paligid. Dumaan ang ikalawang gabi at sa ikatlong gabi ay wala na ang tinig na tik tik tik. At ito ang aking nakakatakot na karanasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *