Kaibigan Card

Sa mga nais mag-avail ng Kaibigan Card – Guro Edition, ipakita lamang po sa sinumang staff ng Pandayan Bookshop ang faculty ID at/o PRC ID ninyo at mag-fill up ng form. P50.00 ang registration fee para sa mga guro na walang PRC ID, at P25.00 naman kung may dalang PRC ID.

Handog ng Pandayan Bookshop ang card na ito para sa mga mahal nating guro. I-present lang ang kanilang Kaibigan Card – Guro Edition para ma-avail ang 5% discount sa lahat ng gamit pang-guro.

Validity: Ang Kaibigan Card – Guro Edition ay valid up to 2 years upon availing it.

 

Para naman sa Kaibigan Card – Opisina Edition, ipakita lamang sa sinumang staff ng Pandayan Bookshop ang original at photocopy ng business permit, at company ID. Pagkatapos ay mag-fill up ng form na ibibigay namin. P50.00 ang registration fee.

Ang card na ito ay magga-grant ng 5% discount sa mga Opisina Card holders sa lahat ng gamit pang-opisina. Minimum worth of P500.00 items ang dapat mapamili ng panauhin para ma-avail ang 5% discount.

Validity: Ang Kaibigan Card – Opisina Edition ay valid up to 2 years upon availing it.

 

May handog din tayo para sa mga panauhin nating estudyante! Ipakita lamang sa sinumang staff ng Pandayan Bookshop ang school ID at mag-fill up ng form na ibibigay namin. Ang registration fee ay P25.00.

Ang Club Estudyante ay isang privilege card kung saan maaaring ma-avail ng mga Club Estudyante members ang monthly discounted items natin para sa kanila. Bukod dito, tuwing bumibili sila sa Pandayan Bookshop, nakakaipon sila ng tinatawag nating “guhit”. Ang mga guhit na ito ay iko-convert natin sa totoong pera na siya nating ipapang-donate sa piling charitable institutions.

Validity: Hanggang estudyante ka, valid ang Club Estudyante card mo!