Iwas Dengue Update

Tuwing tag-ulan, tumataas ang kaso ng Dengue. Virus and sanhi ng Dengue at ito ay dala-dala ng lamok. Kapag nakakagat ang lamok ng isang taong may Dengue virus, maaari na niya itong mapasa sa susunod niyang kakagatin. Ang sintomas ng Dengue ay ang mga sumusunod: mataas na lagnat, pagsakit ng katawan, pamumula ng balat, at sa malalalang kaso, pagdurugo.

Kapag nagkaroon ng mataas na lagnat, lampas ng 2 araw, kasama ang pananakit ng katawan magpa-checkup na sa duktor. Kung Dengue ang suspetsa ng duktor, kumukuha ng blood test araw-araw para makita kung bumababa ang platelets, ang parte ng dugo na tumitigil sa pagdurugo. Kapag maagang na-detect at na simulan ang paggamot, madalas naiiwasan ang pagdurugo.

Sa kasalukuyan, may 5 strains ng Dengue virus. Kaya pwedeng magka-Dengue ng 5 beses. At, mas malala ang Dengue kapag dating nagkaroon ka na nito. Panatiliin nating malinis ang kapaligiran at mag tapon ng mga naipong tubig para maka-iwas sa lamok.