Ano ang Tikbalang?

Ang tikbalang ay isang masamang nilalang o halimaw na kilalang-kilala ng mga Pilipino. Inilalarawan ang tikbalang bilang isang matangkad na nilalang na may katawan ng tao ngunit ang ulo ay sa isang hayop na madalas ay sa kabayo. Ihinahalintulad ito sa centaur na kilala sa mga Griyego.

Katulad ng kapre, ang mga tikbalang ay pinaniniwalaang nakatira sa malalaking puno tulad ng balete, at humihithit ng tabako na malapit sa puno o sa ibabawa nito. Mayroon ding mga tikbalang na naninirahan sa mga ilog at sa gitna ng gubat. Sinasabing nananakot ang mga tikbalang ng mga manlalakbay at inililigaw niya ang mga ito. Ngunit maaaring mag-anyong tao ang mga tikbalang kapag gusto nilang mabiktima ang isang tao. Ginagaya nila ang itsura, boses at galaw ng isang taong malapit sa gusto nilang biktimahin. Nililinlang ng tikbalang ang biktima sa pamamagitan ng pagsunod dito hanggang sa mawala ang biktima at kadalasan ay hindi na natatagpuan muli.

Source: fil.wikipilipinas.org/index.php/Tikbalang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *