Ano ang Manananggal?

Ang manananggal daw ay mahilig lumipad sa gabi at dumapo sa bubong ng mga kabahayan upang maghanap ng butas kung saan maaari niyang isilid ang manipis at napakahabang dila sa paghahanap ng mabibiktima. Ang dila ang nagigiging instrumento ng manananggal sa paghigop ng dugo ng tao o di kaya ng sanggol sa sinapupunan ng isang nagdadalang-tao. Ito ay ikinamamatay ng biktima. Ayon naman sa ibang kuwento, maaari ding sundan ng manananggal ang biktima at kapag nahuling nag-iisa ay kanyang kakainin ang puso at iba pang mga laman loob nito.

Source: http://thepoc.net/index.php/kuwentong-kababalaghan-manananggal-kapre-atbp/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *